Lahat tayo ay may sariling wika na ginagamit. Sa bawat lugar na ating puntahan meron silang sariling wika na ginagamit. Sa Pilipinas ang ating pambansang wika ay filipino. Meron man tayong iba't ibang wika sa bawat rehiyon ng ating bansa tayo pa rin ay nagkakaisa sa tulong ng ating pambansang wika.
Mayroon nga tayong sariling wika pero ang ilan sa atin hindi alam kung paano pahalagahan ang ating wika. Ang iba tinatangkilik ag ibang wika sa kadahilanang mas maganda ang wikang kanilang ginagamit, na wika ng ibang bansa. Maganda naman ang ating wika kumpara sa iba pang wika kung ito ay susuriin na mabuti, maipagmamalaki rin ito gaya ng ibang wika. Sabi nga ni Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Ito ang sabi ni Rizal na hanngang ngayon ay atin pa rin pinapahalagahan at sinasabi sa mga pilipinong hindi alam pahalagahan ang wika. Kapag wala tayong sariling wika hindi tayo magkakaintindihan at kung wala tayong pambansang wika hindi pa rin tayo magkakaintindihan at maaaring pagsimulan ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Dahil sa ating pambansang wika tayong lahat ay nagkakaintindihan at nagkakaisa.
Maraming magandang hatid ang pagkakaroon natin ng ating pambansang wika. Ito rin ang dahilan kung bakit hanngang ngayon nagkakaisa pa rin at walang malalang pag-aaway tungkol sa ating wikang pambansa. Dapat natin itong pahalagahan at patuloy na gamitin at huwag ikahiyang ipagmalaki sa iba pang wika. "Wika ng Pagkakaisa" atin ng baigyang halaga.
ito ay 20229 na
TumugonBurahin